Sunday, March 29, 2015

Reason on God Seeking

   Hello world! It's me, The noob thinker. Samahan nyo ako sa gagawin kong adventure sa paghahanap ng katotohanan kung talaga nga bang may Diyos o wala at kung meron ba talagang higher purpose ang tao maliban sa pamumuhay sa Earth. Now, I will give you some background of my belief/faith para malaman nyo kung bakit ko naisip gumawa ng blog na ganito ang tema.

Panimula 
   Ako ay isang handog sa loob ng Iglesia Ni Cristo, isang laganap at kilalang relihiyon na sa Pilipinas at sa tingin ko, pati sa buong mundo dahil sa mga world record na nakuha. In short, pinanganak ako sa loob ng Iglesia Ni Cristo. 

Tungkol sa aking mga magulang
Ang mga magulang ko ay dating mga katoliko. Narinig ko dati habang nagkukwentuhan sila kung paano sila naging Iglesia Ni Cristo na hindi naging madali ang lahat dahil nga sa ayaw ng Lola ko (mother side) na mag-INC ang nanay ko. Ang nanay ko ay naimbitahan daw sa Lingayen pero yung nag-imbita sa kanya, hindi yun ang nakapagbunga sa kanya kundi yung nagpatuloy na nag-akay sa kanya. I will not mention names unless necessary. Huwag nyo akong tanungin kung bakit hindi ko nilagay ang pangalan ng mga magulang ko kasi hindi nila alam na gumawa ako ng ganitong blog at ayokong pinsalain nila ang kagustuhan kong alamin sa sarili ko kung tunay nga bang may Diyos o tunay nga ba ang kinaaniban kong relihiyon.
Ang tatay ko naman ay naging INC dahil sa naakay sya ng Nanay ko. Ang pinakamalaking conflict bago sila maging tuluyang INC members ay ang pagiging INC na nanay ko pero yung tatay ko ehh hindi. Dahil nga galit ang lola ko sa pag-iiglesia ng nanay ko, hinadlangan sya sa lahat ng paraan pero hindi nagpatinag ang nanay ko. Pero dahil nalaman ng Lola ko na bawal sa INC ang mag-asawa ng mga hindi INC, sinamantala nya ang pagkakataong may nagkakagusto sa nanay ko. Yun na nga ang tatay ko na kung saan, ginamit sya ng lola ko na paraan para maipatiwalag ang nanay ko. Agad silang pinakasal kaya wala na ring nagawa ang nanay ko dahil nagustuhan nya din ang tatay ko. Matapos silang ikasal, natiwalag ang nanay ko at hindi nagtagal, nagsimula silang mag-away dahil sa relihiyon.
   Dahil sa pagsasawa nila sa pag-aaway dahil sa relihiyon, naisipan nilang suriin nang sabay ang dalawang relihiyon, INC at Katliko. Tuwing huwebes ay sa INC sila pumupunta para sumamba at tuwing linggo ay sa Katoliko sila nagsisimba. Sa pagsusuri nila, tuwing huwebes, maraming tanong ang tatay ko tungkol sa mga ginagawa sa loob ng Iglesia at lahat naman ito ay nasasagot ng nanay ko dahil sa meron syang notebook na pinagsulatan nya daw ng mga talatang sagot mula sa Bibliya sa mga tanong nya dati noong nagsusuri pa lang sya sa INC. Tuwing Linggo naman, nagtatanong ang nanay ko sa tatay ko pero hindi masagot. Hindi daw masagot ng tatay ko kasi wala naman syang alam sa bibliya noong mga araw na yon kaya nagpatuloy sila sa pagsusuri hanggang sa wakas ay nagpasya daw na magpadoktrina ang tatay ko kasabay ng tita ko. At doon nagkaroon ng kapayapaan sa kanilang pagsasama. Nangyari daw ang lahat ng ito noong mga panahong hindi pa ako pinapanganak. 
Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, susubukan kong i-post yung full detail ng kwento. Since hindi ito ang target ko sa blog ko, hindi ako magfofocus sa sarili kong kwento. This is Just a background kung bakit ko ginawa ang blog na ito.

Curiosity Trigger
Tanong:
    Bakit ko nga ba naisipang gumawa ng ganitong blog?
Sagot:
    Noong 4th year Highschool ako, inimbitahan ako ng kaibigan ko na isang ADD o kaanib sa Ang Dating Daan na pinamumunuan ni Mr. Eli Soriano na pinakamatinding kasagupa ng INC. Nang makapasok kami sa dako ng doktrina nila, maraming nabuksang tanong sa isip ko kung tama ba yung mga sinabi nya tungkol sa Iglesia. Parang nagkaroon ng spam logical statements sa utak ko na kung saan ang umpisa ay "oo nga noh?otoo kaya yun? Bakit nga ba ganun?" Sa totoo lang, aaminin ko na, noong mabautismuhan ako, tinanggap ko yung mga aral pero nagwawalang bahala lang ako sa mga natutunan at narinig ko sa  doktrina kasi kampante akong ligtas ako sa paghuhukom kasi yun nga ang sabi ng nagturo sa akin na kapag nabautismuhan ka na sa INC, ligtas ka na. Pero nalimutan ko yung karugtong na sinabi nya na dapat akong sumunod at sumampalataya. Dahil nga sa ang pananampalataya ay paninindigang matibay sa mga turo/aral ukol sa mga bagay na hindi pa nakikita, hindi ako pasado dahil wala na akong paki-alam. Naging loko loko akong bata at naging palamura sa eskwela at kung anu-anong masasamang salita ang sinasabi. Ang hindi ko lang talaga tinangkang gawin ay yung mga sobrang bibigat na kasalanan tulad ng paggamit ng mga Droga, Bisyo, pag-inom ng alak, premarital sex (wala naman kasing nagkakagusto sa akin kaya no choice ahahaha) at iba pang mga sobrang bibigat na kasalanan na maaring magawa ng isang mag-aaral na katulad ko. BACK TO THE TOPIC, na-curious ako kasi ang galing magsalita ni Soriano. Ang dami kong natutunan sa kanya at lalo akong naging interesado kasi nga ehh pananampalataya ko ang inaatake nya. Hindi ko alam kung naranasan nyo na yung pakiramdam na naramdaman ko habang naririnig ko yung mga sinasabi nya patungkol sa INC. Yung pakiramdam na parang ang sikip sa dibdib na parang unti unting nagkakaroon ng buhangin sa loob. Mas tumindi yung paninikip ng dibdib ko nang murahin nya si Ka-EraƱo Manalo at sinabihang "G@g0"(sorry for the word pero yan talaga yung sinabi nya) . Nagtataka lang ako kung bakit kahit nagmumura sya ehh nagpapalakpakan yung mga miyembro nya. Anyways, hindi ko masyadong tiningnan yung pagmumura nya. Ang pinakinggan ko nang husay ehh yung kanyang mga sinasabi ukol sa Iglesia. 

   Dahil sa pagkahukay ko sa curiosity ko tungkol sa tunay na Diyos, napunta ako sa mga forums ng religion kung saan may mga nagdidiskusyon ukol sa mga usaping tumatalakay sa mga paniniwala at mga utos ng Diyos kuno. Sa mga forums, marami akong nakitang mga talatang bago sa paningin ko. Maraming relihiyon ang nagpapalitan ng mga argumento. May mga Katoliko, INC, ADD, Born Again, Methodist, Protestant at kung anu-ano pang sekta ng relihiyon pati Muslim/Islam. Dahil sa medyo naguguluhan ako sa mga diskusyon ng mga Religion, kapansin-pansin para sakin ang post ng mga athiest. Hindi ko alam na may mga ganun din palang mga tao na hindi naniniwala sa Diyos. Binasa ko yung mga post nila tungkol sa pagpapatunay na hindi nag-eexist ang Diyos kundi ang lahat ay nangyari sa pamamagitan ng mga Theories nila na Bigbang at Evolution. Marami din silang mga pinakitang mga Mali kuno ng Bibliya. Tulad na lang sa ika-4 na araw ng paglalang, Paano daw magkakaroon ng ika-4 na araw kung sa ika-4 na araw ginawa ng Diyos ang Araw? Ang piliosopo diba? Pero may sense... oo nga naman, pano magkakaroon ng Day kung walang Araw o Buwan na magiindicate na naka-ikot na nga ang mundo.
Via google search
This opened up my curiosity. Ang mission ko ngayon, bago ako magresearch kung ano ang tunay na Religion ehh ang patunayan kung talaga nga bang may Diyos...

MY VIEW IN LIFE
    Ayokong mamatay nang naniniwala sa bagay na sinabi lang sa akin. I want to have the Truth. Hindi ako tatamaring hanapin yung mga dapat kong hanapin. 

Sabi ng ibang mga tao, pareparehas lang daw ang Religion. Tsss di ako naniniwala, kung pareparehas yan ehh bakit sila nagkakaroon ng pagtatalo? 

Sabi naman ng mga Athiest, bakit ba kasi daw kelangan ng Religion? pwede ka naman daw magpakabait, sasayangin mo lang yung oras mo diyan. Ang sagot ko lang naman diyan sa sinasabi nilang yan: "Kung maraming fake, may Original"... at "Kung sumunod ako at naniwalang may Diyos at namatay ako tapos hindi nga sya totoo, wala namang nawala sakin ehh. Ang masakit ehh yung hindi ako naniwala at wala man lang akong effort na ginawa para hanapin sya at namatay ako tapos totoo palang may Diyos, PANU NA?! edi Maghapon magdamag at magpakailan kailan man akong susunugin sa Impyerno?"

Sabi naman ng Dyos ehhh:
   

Outro
nawa'y samahan nyo ako sa gagawin kong ito. Pipilitin kong maging interesting ang blog kong to. Tulungan nawa ako ng Diyos kung nag-eexist sya... :)